Alerto sa inagurasyon ni GMA
June 29, 2004 | 12:00am
Mahigpit na seguridad ang ipagkakaloob kay Pangulong Arroyo sa kanyang inagurasyon sa Luneta at Cebu City sa seremonya ng panunumpa niya sa tungkulin.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Ricardo Saludo, mahigpit na seguridad hindi lang sa Pangulo kundi sa lahat ng dadalong mga bisita pero hindi naman nangangahulugan na mayroong mga banta o ligalig na inaasahan na sisira sa okasyon.
Alas-8 ng umaga bukas ay magkakaroon ng ecumenical prayer sa Luneta at tampok sa okasyon ang talumpati ng Pangulo sa sambayanan. Sampung mahahalagang programa ng pamahalaan ang detalyadong ihahayag nito.
Alas-12 ng tanghali nasa Cebu City ang Pangulo at kanyang Bise Presidente para sa kanilang panunumpa sa tungkulin. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am