Mga hukom, mag-aarmas
June 29, 2004 | 12:00am
Matapos ang paghingi ng mga bodyguard, muling humirit sa Korte Suprema kahapon ang grupo ng mga hukom sa bansa upang payagan silang magdala ng baril bilang depensa sa kanilang mga sarili.
Ayon kay Lipa City, Batangas Regional Trial Court Judge Jane Lantion, senior vice president ng Philippine Judges Association (PJA), panahon na para armasan silang mga huwes partikular iyong may mga hawak ng heinous crimes cases, bilang depensa.
Ginawa ni Lantion ang pahayag bilang suporta sa panawagan ni Atty. Filomena Rosales, biyuda ng napatay na si Tanauan, Batangas RTC Judge Voltaire Rosales na bigyan sila ng bodyguard.
Gayunman, nilinaw pa ni Lantion na sa kasalukuyan silang mga hukom ay hindi makakuha ng sariling baril katulad ng ibang sibilyan dahil hindi naman kataasan ang kanilang suweldo, kaya iginiit nila na isyuhan na lamang sila ng gobyerno dahil lubha naman anyang mahirap gamitin ang kanilang sariling pera para dito.
Bukod sa kahilingan na bigyan sila ng armas, hiniling din nito ang pagbuo ng karagdagang posisyon sa ibat ibang korte na magsisilbing security officer para sa bawat isang hukom.
Nilinaw pa ni Judge Lantion na hindi maitatatwang delikado ang kanilang posisyon dahilan sa marami silang nahahatulan na hindi kuntento sa kanilang desisyon.
"Ang mahirap kasi, kapag natalo ang isang case sa isang judge pagbibintangan na either nabayaran or naimpluwensiyahan kaya kahit saan kami magtungo hindi mo puwedeng i-please ang both parties even if the case is meritorious. For sure there will be an angry party," sinabi pa ni Lantion. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended