Bumubula na ang "apritadang manok" sa pack lunch kaya aso na lamang ang nakinabang sa naturang mga pagkain.
Ang pack lunch ay nakalagay sa styropor kung saan ang laman ay kanin, pancit canton at apritadang manok na nakabalot sa plastic. Pa-blow-out ito sa kanila ni Madrigal matapos mabigong makarating ito sa flag-raising ceremony kahapon ng umaga bilang panauhing pandangal.
Ayon sa isang empleyado, "Una ay nadismaya kami dahil hindi siya dumalo sa flag-raising ceremony kung saan guest siya at ang dumating ay ang kanyang chief of staff na si Atty. Christine Agcaoli na ipinabatid naman sa mga empleyado na magpapakain na lamang daw ng lunch si Madrigal sa lahat ng empleyado. Pero lalo kaming nadismaya dahil ang nakalagay na ulam sa ipinamigay nila ay panis na apritadang manok."
May palagay ang mga empleyado na nakulob sa plastic ang apritada dahil mainit pa ito ng ilagay o di kayay dahil sa pineapple juice na sarsa nito. (Ulat ni Rudy Andal)