Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source sa Camp Crame, sasailalim sa psychiatric test si Pamatong at dito malalaman kung ito ay may diperensiya sa pag-iisip o wala.
Aniya, abogado si Pamatong at alam nito ang kanyang mga gagawin upang mapawalang-sala sa hukuman.
Ilan sa mga kasong kinakaharap ngayon ni "Spikeboy" ay malicious mischief, damage to property at illegal possession of firearms and ammunitions.
Gayunman, namimiligro ring ma-disbar o maalisan ng lisensiya si Pamatong sakaling mapatunayan ngang matino ang pag-iisip nito at pinagplanuhan ang pagpapakalat ng spikes sa kalsada kung saan umabot sa halos 200 sasakyan ang nabutasan ng gulong.
Si Pamatong, 60, ay naaresto kamakalawa ng madaling araw sa isang checkpoint sa Laguna.
Matapos aminin na siya ang utak sa paghahagis ng mga pako ay nagtago na ito at nagbanta na pababagsakin ang gobyerno sa loob ng 15-araw. (Ulat ni Doris Franche)