Estafa pa vs Pamatong
June 26, 2004 | 12:00am
Dagdag na kasong estafa ang nakatakdang harapin pa ngayon ng tinaguriang "Spikeboy" na si Atty. Elly Pamatong matapos na hindi magbayad ng kabuuang P500,000 renta sa kanyang law office sa Ermita, Maynila.
Nakatakdang magsampa ng estafa sa Western Police District (WPD) at sa Manila Prosecutors Office si Engr. Andy Malijan, administrator ng VIP bldg., sa may #402 Roxas blvd., Ermita.
Ayon kay Malijan, nag-umpisa umano ang utang ni Pamatong noong nakaraang taon matapos na mamatay ang business partner nito na kasama nitong umuupa sa opisina sa naturang gusali.
Nabatid na inupahan ni Pamatong ang opisina noong Abril 15, 2002 sa ilalim ng 2-taong lease contract. Maayos naman umanong nakakapagbayad si Pamatong hanggang sa masawi nga ang kapartner nito.
Mula noon, nahirapan na itong magbayad ng P70,000 buwanang renta at P40,000 lamang ang naibabayad nito.
Nang magtapos ang kontrata nitong nakaraang Abril 15, humiling si Pamatong ng extension at inalok pa nito na ipambayad ang kanyang Mercedes Benz 1981 model na tinanggihan ni Malijan.
Sinabi pa umano ni Pamatong na hinihintay pa nito ang US$10,000 na ipapadala sa kanya ng pamahalaan ng Estados Unidos dahil sa pagsuporta niya dito.
Tuluyang hindi nakapagbayad si Pamatong ng magtago na ito dahil sa pagpapakalat ng mga pako sa mga lansangan sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Matapos madakip kahapon, sinabi ni Malijan na lalo nilang ididiin si Pamatong dahil sa kanyang utang. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest