Ayon kay SC deputy court administrator Zenaida Elepano, lumiham na umano sa kanila ang mga hukom upang humiling na bigyan sila ng bodyguard lalo na ang mga may hawak ng sensitibong kaso at heinous crimes tulad ng rape, drugs at murder.
Gayundin ang mga hukom na mayroong hawak na kaso kung saan sangkot ang mga kilala at makapangyarihang personalidad sa bansa.
Ang naturang kahilingan na bodyguard ng mga hukom ay bunsod sa pagkakapatay kay Judge Voltaire Rosales ng Tanauan, Batangas Regional Trial Court noong Hunyo 10, 2004.
Dahil umano sa mga sensitibong kaso na hinahawakan ng mga ito kaya pinagbabantaan ang kanilang buhay hanggang tuluyang patayin.
Sa kasalukuyan ay pitong kaso na ng pagpaslang sa mga hukom sa bansa ang naitatala ng SC at wala pa ring nalulutas hanggang ngayon. (Ulat ni Gemma Amargo)