Hunyo 24,walang pasok sa Maynila

Non-working holiday sa lahat ng sangay ng gobyerno at wala ring pasok sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila bukas, Hunyo 24, bilang pagdiriwang ng ika-433 Araw ng Maynila alinsunod sa Presidential Proclamation No.641. Tampok sa selebrasyon ang big sale and food festival sa Avenida pedestrian walkway at shopping strip sa Hunyo 23 at 24 habang magkakaroon din ng libreng sakay sa shuttle mula sa Park and Ride building sa Arroceros st. patungo sa Avenida Rizal pedestrian walk way and shopping strip. Libre din ang entrance sa Manila Zoo para sa mga residente ng Maynila. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments