Galang imbestigahan- Limcaoco
June 23, 2004 | 12:00am
Binigyang-diin ni Presidential Adviser on Media and Ecclesiastic Affairs Dodi Limcaoco na imbestigahan ang umanoy tinagurian niyang "opposition spy" na si Rudy Galang dahil sa pahayag ng huli na kinuha umano siya ng K-4 coalition upang magtrabaho sa Mindanao at masiguro ang 2 milyong boto para kay Pangulong Arroyo noong May 10 elections.
"Si Rudy Galang ay hindi empleyado o operator ng K-4 at hindi ko kailanman binasbasan na gawin ang kanyang sinasabing kanyang ginawa noong nakaraang eleksiyon," ani Limcaoco.
Sinabi ni Limcaoco na masyado ng desperado ang oposisyon at pati ang kuwentong kutsero ni Galang na anyay isang perennial loser sa congressional election sa unang distrito ng Laguna ay kanilang ginagamit. "Bakit ipapaubaya ng K-4 ang pangangampanya sa Mindanao gayong hindi niya maipanalo ang kanyang sarili, pagtitiwalaan pa namin siya?" wika ni Undersecretary Nolan Sison, assistant ni Limcaoco.
"Si Galang ay nag-volunteer lamang na tutulong sa kampanya pero ito ay hindi empleyado o operator ng K-4 at anuman ang kanyang ginawa, lalo na ang illegal na operation, ay walang blessing ng K-4," dugtong niya.
Kung mayroon anya siyang complaint, kailangang iharap niya ito sa tamang ahensiya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended