Petisyon ni Pimentel ibinasura na ng SC
June 23, 2004 | 12:00am
Ibinasura na kahapon ng Korte Suprema ang petisyon ni Senator Aquilino Pimentel Jr. na nagpapabuwag sa Joint Congressional Committee ng Kongreso dahil sa kawalan ng constitutional basis.
Sa botong 11-0 ng mga mahistrado, wala silang makitang basehan sa naturang petition sa ilalim ng batas upang hikayatin sila na ipahinto ang canvassing ng presidente at bise presidente.
Nakasaad pa sa resolution na ang 12th Congress ay hindi nagtatapos sa adjournment ng regular session ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil hanggang Hunyo 30 pa ang buhay nito kasabay ng pagtatapos ng termino ng mga mambabatas. Kasama rin anya sa legislative functions ng 12th Congress ang pagbibilang ng boto para sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Bunga nito, hindi na mapipigil ang proklamasyon ni Pangulong Arroyo at runningmate na si Sen. Noli de Castro.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, bagamat inaasahan niyang magkakaroon pa ng mainitang debate sa pagitan ng pro at anti-administration na mga mambabatas ay tuluy-tuloy na ang proklamasyon sa dalawa.
Inaasahan niyang ipoproklama ngayong Huwebes o Biyernes sina Pangulong Arroyo at de Castro. (Ulat nina Gemma Amargo/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended