^

Bansa

'Opposition spy' hinamon sa ebidensiya vs dayaan

-
Hinamon kahapon ni Presidential Adviser on Ecclesiastical Affair Dodi Limcauco ang umano’y naging "spy" ng oposisyon na si Rudy Galang na dalhin sa korte ang mga ibinabatong akusasyon laban sa kanya at hindi sa pamamagitan ng media.

Sa isang press conference na ginanap sa Quezon City, sinabi ni Limcauco na isang malaking kasinungalingan at walang basehan ang bintang ni Galang na siya ang may utos dito na mandaya sa naganap na eleksiyon sa Mindanao.

Aniya, kung may sapat na ebidensiya si Galang sa bintang nito, nararapat lamang na dalhin niya ito sa korte o kaya’y sa Comelec na lehitimong nag-iimbestiga sa anumang reklamo o protesta.

Ibinulgar ni Galang ang tinatawag na "Oplan Mercury" sa administrasyon na isinagawa sa Mindanao na ang layunin ay papanalunin si Pangulong Arroyo sa May 10 elections. Ang may pakana raw nito ay si Limcauco. Subalit sinabi ni Limcauco, ang pagbubulgar ni Galang ay nagpapatunay lamang na desperado na ang oposisyon makaraang manalo ng mahigit isang milyon ang Pangulo at ito ang hindi nila matanggap. (Ulat ni Doris Franche)

DORIS FRANCHE

ECCLESIASTICAL AFFAIR DODI LIMCAUCO

GALANG

LIMCAUCO

MINDANAO

OPLAN MERCURY

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ADVISER

QUEZON CITY

RUDY GALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with