Bomba,spikes ikakalat pa !
June 22, 2004 | 12:00am
Nanatili sa heightened alert ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila matapos maagapang i-diffuse ng mga awtoridad ang tatlong bomba ilang oras lamang matapos manguna si Pangulong Arroyo sa pagtatapos ng preliminary canvassing ng joint committee ng Kongreso.
Sinundan pa ang insidente ng pagpapakalat sa ibat ibang lugar sa Metro Manila ng mga metal spikes, dahilan upang ma-flat ang gulong ng may 200 sasakyan na nagresulta sa pagkakabuhul-buhol ng daloy ng trapiko.
Sa report na nakarating sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nakasakay sa isang taxi, isang pulang kotse at mga naka-motorsiklo ang hindi pa kilalang mga suspek na nakitang nagtapon ng mga nasabing pako.
Partikular na naperhuwisyo ang kahabaan ng Edsa, Roxas Blvd., Libertad sa Makati at Pasay City; Vito Cruz, Mabini, Binondo, Taft Avenue, Kalaw, Quiapo at Recto sa Maynila, Aurora Blvd., Cubao at E. Rodriguez sa Quezon City; C-5 Road at Ortigas Ave. sa Pasig City; C-3 Road, Rizal Avenue at Monumento sa Caloocan city.
Dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nagsimulang ikalat ng mga suspek sa nabanggit na mga lugar ang naturang mga metal spike na umabot hanggang ala-una ng madaling araw.
Mahigit sa 800 binaluktot na mga pako ang narekober ng MMDA.
Una rito, isang pitong kilong bomba ang nakita sa ground floor ng Department of Interior and Local Government (DILG) kamakalawa ng umaga. Ang bomba ay kumpleto sa wires, battery at timer.
Dakong alas-2 naman kamakalawa ng hapon ng matagpuan ang isang 5-7 kilo ng improvised bomb na nakalagay sa inabandonang package at itinanim sa canteen ng Department of National Defense (DND).
Alas-2 ng hapon kahapon ay isa pang bomba ang natagpuan sa harap mismo ng simbahan ng Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.
Isang tawag ang natanggap ng security guard na nagsasabing may bomb threat kaya agad naghanap ang mga sekyu at nakita ang isang karton na nakasilid sa basurahan. Kumpleto rin sa sangkap ang bomba, may 7 kilong ammonium nitrate, C4, alarm clock ang triggering device at detonating cord. Kung hindi naagapan ay puwedeng masira ang simbahan.
Ang tatlong bomba ay maagap na na-detonate ng mga awtoridad.
Ayon sa PNP, posible umanong bahagi ng destabilisasyon laban sa pamahalaan ang sunud-sunod na pagkakatagpo ng tatlong bomba dahil na rin sa napipintong proklamasyon ni Pangulong Arroyo bago magtapos ang buwang ito.
Samantala, inamin kahapon ni Atty. Eli Pamatong, nadisqualify na presidential candidate, na sila ang nagpakalat ng mga pako. Ginawa nila ito dahil hindi anya sila mabigyan ng permit para makapag-rally at maihayag ang kanilang reklamo laban sa gobyerno. (Ulat ng PSN Reportorial Team)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended