^

Bansa

Walkout ng mga abogado ni FPJ, unprofessional

-
Iresponsable at unprofessional!

Ito ang naging diskripsiyon kahapon ng ilang mambabatas at ng isang grupo ng mga abogado sa ginawang walkout ng mga abogado ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).

Ayon kay Atty. Rick Abcede, national chairman at spokesman ng Filipino Lawyers for Good Governance (Filgood), isang kahihiyan at pagtataksil sa sinumpaang tungkulin ng mga abogado ang nasabing walkout.

Dalawa lamang naman aniya sa mga abogado ng KNP ang kinasuhan pero lahat ng mga abogado ng nasabing partido ay kumalas na sa canvassing.

"Only two of the opposition lawyers were criminally charged, but the rest of them walked away," pahayag ni Abcede.

Sinabi naman ng ilang solon na posibleng naubusan na ng sapat na argumento ang mga abogado ni FPJ at maging ni Bro. Eddie Villanueva kaya nagpasya na ang mga ito na iwanan ang kanilang trabaho.

Maliwanag aniya na libreng publisidad lamang ang habol ng KNP lawyers kaya sila nag-walkout.

Ayon kay Bulacan Rep. Wilfirdo Villarama, sa simula’t simula pa lamang ng pagbibilang ng pinagsanib na komite ng Kongreso ay nagpakita na ng masamang gawi ang mga abogado ng oposisyon katulad nang pagbibilad sa media ng mga certificate of canvass na umano’y dinuktor at ginamit sa pandaraya ng administrasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABOGADO

AYON

BULACAN REP

EDDIE VILLANUEVA

FILIPINO LAWYERS

GOOD GOVERNANCE

MALOU RONGALERIOS

NAGKAKAISANG PILIPINO

RICK ABCEDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with