Mga iskuwater popostehan ng mga tangke
June 19, 2004 | 12:00am
Nakahanda ang AFP-National Capital Region Command na postehan ng mga Armored Personnel Carriers (APCs) o mga tangke ang mga squatters area na target ng "recruitment" para maglunsad ng rally kaugnay ng planong destabilization laban sa pamahalaan.
Ayon kay AFP-NCRC chief Lt. Gen. Alberto Braganza, itoy sa sandaling lumala ang sitwasyon bunsod na rin ng hindi bumababang tensiyon dulot ng pagtatangkang ibagsak ang gobyerno.
Kabilang sa mga lugar na planong lagyan ng mga tangke ang Baseco Compound sa Tondo, Maynila at mga lugar kung saan aktibo ang mga destabilizers na maka-recruit ng mga magsisipag-rally upang maisakatuparan ang EDSA 4.
Popostehan rin ng mga tangke ang loob at palibot ng Palasyo ng Malacañang na posibleng maging target ng mga pag-atake.
Ipinaliwanag ni Braganza na ang inilatag nilang "counter measures" ay bahagi ng tinatawag na contingency level na ditoy depende sa antas o lagay ng sitwasyon kung aabot sa senaryong magpapakalat na sila ng tangke maging sa mga krusiyal na tanggapan ng pamahalaan.
Ngunit sa ngayon, inihayag ni Braganza na wala pa naman sa level 3 ang trono ng kapangyarihan ng bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended