^

Bansa

Uupong alkalde,CA ang magdedesisyon

-
Nakasalalay pa rin sa Court of Appeals (CA) ang desisyon kung sino ang mauupong alkalde ng Malabon City bunsod pa rin sa kalituhan ng mga empleyado at mga residente dito kung sino ang susundin.

Magugunitang nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing lungsod matapos na magpalabas ang CA ng desisyon na nagpapawalang bisa sa suspension order ni Malabon Mayor Amado Vicencio.

Bukod dito, hindi pa rin final and executory ang kautusan ng CA dahil nakasaad sa batas na mayroon pang 15 araw si acting Mayor Mark Allan Jay Yambao ng 15 araw upang magsumite ng kanyang motion for reconsideration.

Kaugnay nito, nilinaw kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina na si Yambao pa rin ang mananatiling alkalde ng Malabon at pinayuhan din nito na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin at ng Sangguniang Panglungsod.

Sinabi pa nito na nakarating na kay Pangulong Arroyo ang kopya ng CA tungkol sa nasabing usapin ng dalawang alkalde at hihintayin na lamang niya ang kautusan ng Malacañang tungkol sa nasabing isyu.

Magugunita na sinuspinde si Vicencio ng Malacañang dahilan sa mga kasong administratibo. (Ulat ni Gemma Amargo)

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO

MALABON CITY

MALABON MAYOR AMADO VICENCIO

MALACA

MAYOR MARK ALLAN JAY YAMBAO

PANGULONG ARROYO

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with