^

Bansa

Babala kay FPJ: Kulong !

-
Binalaan kahapon ng administrasyon si KNP presidential bet Fernando Poe, Jr. na posible siyang kasuhan at makulong dahil hinihikayat ang taumbayan na mag-aklas laban sa gobyerno.

Ayon kay Housing Secretary Mike Defensor, dating campaign spokesman ng K-4, dapat tumigil na si FPJ sa kanyang mga banat na nagtutulak ng destabilisasyon dahil ipinapakita lamang nito na isa siyang mapanganib at iresponsableng tao dahil sa kanyang panghihikayat sa mga taga-suporta na huwag igalang ang ginagawang bilangan sa Kongreso.

Alam umano ni FPJ na magdudulot ng destabilisasyon sa gobyerno ang kanyang mga pahayag laban sa pamahalaan at sa ginagawang bilangan para sa presidente at bise presidente.

"His statement and actions makes him dangerous to the state," ani Defensor.

Matapos ang ilang linggong pananahimik pagkaraan ng May 10 elections, nagpahayag nang maaanghang na salita si FPJ laban kay Pangulong Arroyo.

Sinabi rin ni FPJ na kung pekeng certificate of canvass (CoCs) ang ginagamit sa pagbibilang ng 22-man joint canvassing committee, ay siguradong pekeng presidente ang mailuluklok sa Malacañang.

Ayon kay Defensor, dapat patunayan ni FPJ na peke ang mga CoC na binabasa ng mga mambabatas kung totoong may batayan ang mga pahayag nito.

Idinagdag ni Defensor na dapat isipin ni FPJ na maraming umiidolo sa kanya at puwedeng maniwala sa kanyang mga sinasabi kaya dapat maging maingat ito sa kanyang mga binibitiwang akusasyon laban sa gobyerno.

Inihayag naman ni Davao City Rep. Prospero Nograles na tiyak na hindi susuportahan ng publiko kung magpapatawag ng people power ang oposisyon.

Sawa na anya ang tao sa gulo at mas marami rin ang naniniwala na hindi talamak ang dayaan sa katatapos na halalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ALAM

AYON

BINALAAN

DAVAO CITY REP

FERNANDO POE

HOUSING SECRETARY MIKE DEFENSOR

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ARROYO

PROSPERO NOGRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with