Sen.Pimentel 'nagtaray' sa media
June 16, 2004 | 12:00am
Matapos makatanggap ng matinding kritisismo si Sen. Aquilino Pimentel dahil sa ginagawa niyang pagde-delay sa canvassing ng certificate of canvass (CoCs) para sa presidente at bise presidente, pinagbalingan nito kahapon ang media dahil sa umanoy maling ibinabalita sa mga balak gawin ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).
Naging biktima kahapon nang galit ni Pimentel si ABS-CBN reporter Rowena Orejana na napaiyak matapos kastiguhin ng senador dahil sa umanoy pagbibigay sa kanya ng dapat sabihin.
Tinanong ni Orejana si Pimentel kaugnay sa napabalitang pagwo-walkout ng oposisyon at sa paghahain ng petisyon sa Supreme Court (SC) na muling kukuwestiyun sa legalidad ng 22-man joint canvassing committee dahil sa adjournment ng Kongreso.
"You will know if I file the petition. I will not say when. You said it. I did not say it. You are putting words into my mouth," galit na pahayag ni Pimentel.
Sinabi naman ni Orejana na hindi niya inaasahan ang ginawa ng senador.
"After all the respect I have for him, I dont deserved that (kind of treatment)," ani Orejana.
Matapos malaman ni Pimentel na umiyak si Orejana dahil sa ginawa niya, pinadalhan niya ito ng text message na nagsasabing: "Sorry, if you didnt like my answers. I have no wish to offend you. Please forgive me."
Magugunitang napaiyak rin ni Fernando Poe, Jr. ang isang reporter ng Channel 7 noong kasagsagan ng kampanya.
Ayon sa ilang media, marahil anya ay nahawahan na ng ugali ni Poe si Pimentel na hindi gumagalang sa media. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended