Tax sa text haharangin ng Senado
June 14, 2004 | 12:00am
Haharangin ng tinaguriang Wednesday Group ng Senado ang plano ng gobyerno na magpataw ng tax sa text messaging.
Ayon kay Sen. Joker Arroyo, chairman ng Senate committee on public services, nakikiisa siya sa posisyon nina Sen. Ralph Recto, chairman ng ways and means; Sen. Manuel Villar, Jr., chairman ng finance committee at Senate Majority Leader Francis Pangilinan na huwag suportahan ang balak ng mga economic managers ng gobyerno na magpataw ng tax sa text.
Sinabi ni Sen. Arroyo, hindi ang pagpapataw ng tax sa messaging ang sagot upang makalikom ang gobyerno ng sapat na pondo para sa lumolobo nating budget deficit dahil ang lubhang maapektuhan nito ay ang low income class.
Aniya, hindi ang Wednesday Group ng Senado ang nais ipabasura ang nasabing tax measures na binabalak ng mga economic managers ng gobyerno kundi ang mismong taumbayan dahil panibagong pasanin ito ng pangkaraniwang mamamayan.
"We have just come from a bitter electoral contest and both winners and losers know this. The governments budget managers should not add to the problems of the elected president by insisting on a measure that will clearly cause a backlash of public opinion. This will only fuel the peoples disenchantment with the government," dagdag pa ni Sen. Arroyo.
Magugunita na inihayag ng gobyerno na pinag-aaralan na nila ang mungkahing patawan ng tax ang text messaging. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended