Magkaisa na tayo
June 14, 2004 | 12:00am
Hinimok ng mga kongresista mula sa administrasyon ang taumbayan na tumalima sa panawagang pagkakaisa ni Pangulong Arroyo at huwag madala sa pangyayaring kawalan ng direksiyon sa pulitika.
Nangako rin sina Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay at Zamboanga del Norte Rep. Roseller Barinaga na tatapusin ng Kongreso ang tungkuling iniatang sa balikat nito ng saligang batas na iproklama ang nanalong kandidato bago sumapit ang Hunyo 30.
Ayon pa kina Pichay at Barinaga, nararapat lamang ang panawagan ni Pangulong Arroyo sa harap ng nag-uuntugang batong nilikha ng hindi pa matapos-tapos na halalan, bagamat mahigit isang buwan na ang nakalipas. Hindi anya makapagsisimula ang proseso ng paghihilom na likha ng pulitika hangga't hindi natatapos ng Kongreso ang trabaho nito.
Sinabi naman ni Barinaga na dapat magpatuloy ang pagkakaisa ng sambayanan at iwaksi ang anumang pagtatangka ng kaguluhan laban sa pamahalaan. "Hindi dapat tayong madismaya sa ginawang paghaharang ng oposisyon dahil nangako naman ang liderato ng Kongreso na bibilisan nila ang pagbibilang sa natitira pang certificate of canvass upang itanghal ang naging hatol ng bayan." pahayag pa ni Barinaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest