Naka-sando at short na jeepney drivers huhulihin - LTFRB
June 13, 2004 | 12:00am
Kukumpiskahin ang lisensiya at ii-impound ang sasakyan ng mga pampasaherong jeep na ang driver nito ay nakasuot lamang ng sando at short habang pumapasada.
Ayon kay Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairperson Ellen Bautista, dapat hulihin ang mga driver na hindi nagsusuot ng uniporme dahil ito ay nakasaad sa LTFRB rules.
Binigyang diin nito na kailangang ipakita ng mga driver na disente ang kanilang pananamit sa pagbiyahe sa lansangan upang maging kaaya-aya naman ang mga ito bilang "professional drivers" sa kanilang mga pasahero.
Kapag may professional drivers license ka, kailangang maipakita ng mga driver na sila ay professional at hindi basta-basta driver, sabi pa ni Bautista.
Kaugnay nito, iniimbestigahan naman ng LTFRB ang mga bus company na walang terminal.
Binanggit din ni Bautista na walang karapatan ang alinmang bus company na mag-operate kapag wala ang mga itong tiyak na terminal para sa operasyon.
Ang pagbusisi ng LTFRB sa mga bus company ay bunsod na rin ng ulat na ilang kumpanya ang nag-ooperate ng walang terminals. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest