Susan Roces nagpapatahi ng gown para isuot sa inagurasyon ni FPJ
June 12, 2004 | 12:00am
Nagpapagawa na umano ng gown na kanyang isusuot sa inagurasyon ni Fernando Poe, Jr. ang maybahay nitong si Ms. Susan Roces dahil kampante na mananalo ang kanyang mister at siya ang manunumpang susunod na pangulo ng bansa sa June 30.
Sinabi ng mapagkakatiwalaang source, kulay asul na gown umano ang ipinapatahi ni Ms. Roces na kanyang isusuot dahil naniniwala ito na si FPJ ang nanalo at maipoproklamang susunod na presidente at siya na ang susunod na first lady ng bansa.
Nang beripikahin naman ng PSN sa matalik na kabigan ni Roces na si Ms. Anabelle Rama ay mariing itinanggi ng huli na nagpapagawa na ng gown na isusuot si Susan para sa June 30 inauguration ni FPJ.
Nilinaw pa ni Ms. Rama sa PSN, walag nababanggit na ganitong paghahanda si Susan pero kampante ang maybahay ni FPJ na si Da King ang nanalo sa nakaraang eleksiyon at hindi si GMA.
Magugunita na ilang araw pa lamang matapos ang eleksiyon ay naghahanda na rin ang grupo ni FPJ sa pamimili ng lugar na pagdarausan ng inagurasyon nito bilang susunod na pangulo at kabilang sa pinagpipiliang lugar ay ang Pangasinan, Laguna, Gen. Santos City at Quirino grandstand. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended