Ito ang tiniyak kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kaugnay sa paghahayag ng ilang mambabatas ng kanilang intensyon na labanan si de Venecia sa speakership.
Kapwa maglalagay ng kani-kanilang kandidato ang Nationalist Peoples Coalition (NPC) at Liberal Party (LP) kaya siguradong mawawatak ang sunshine coalition na kinabibilangan ng Lakas-CMD, NPC, LP, NP at iba pang partidong pulitikal.
Sinabi ni Marcos na kapwa nakikipag-alyansa na ang NPC at LP sa iba pang maliliit na paksyon kaya siguradong mababawasan ang suportang makukuha ni de Venecia.
Marami na rin aniyang "young independent minded" na kasapi ng Lakas-CMD ang nagsasawa na sa "Old Boys Club" sa Kongreso kaya ibang kandidato sa pagka-speaker ang kanilang susuportahan.
Inihayag din ni Marcos na bagaman at nabuo ni de Venecia ang tinatawag na "rainbow" at "sunshine" coalitions kung saan pinagkaisa nito ang kongresista mula sa ibat ibang paksiyon ay hindi naman niya napanatili ang pagiging "solid" ng mga ito. (Ulat ni Malou Rongalerios)