^

Bansa

Petisyon ng KNP ibinasura na ng SC

-
Tuluy-tuloy na ang isinasagawang canvassing sa Kongreso ng presidente at bise presidente matapos na muling ibasura kahapon ng Korte Suprema ang petisyon ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na nagpapatigil sa pagbibilang ng boto.

Sa resolution ng SC en banc, ibinasura nito ang petisyon ni Davao City Rep. Ruy Elias Lopez na humihiling na ipawalang bisa ang rules sa canvassing.

Sa botong 14-0, sinabi ng mga mahistrado na walang naganap na grave abuse of descretion sa panig ng Kongreso nang ito ay bumuo ng 22-man joint committee na siyang uupo bilang National Board of Canvassers.

Iginiit ng SC na mismong ang Konstitusyon ang siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa dalawang kapulungan ng Kongreso na siyang magbilang ng boto.

Dahil dito kaya hindi maikokonsidera na isang paglabag sa tungkulin ang pagbuo ng komite na siyang uupong canvassers tulad ng pinapalabas ni Lopez sa kanyang petisyon. (Ulat ni Gemma Amargo)

DAHIL

DAVAO CITY REP

GEMMA AMARGO

IGINIIT

KOALISYON

KONGRESO

KORTE SUPREMA

NAGKAKAISANG PILIPINO

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

RUY ELIAS LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with