Sa 20-pahinang komento na inihain ng OSG, nakasaad na ang joit committee ay tradisyunal na ginagamit bilang tagapamahala sa bilangan ng mga boto sa dalawang pinakamataas na puwesto sa pamahalaan.
Sabay ding naghain ng kanilang komento sa Supreme Court (SC) sina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Jose de Venecia na nagsasabing kailangang idismis ang petisyon ni Davao City 3rd District Rep. Ruy Elias Lopez dahil sa kawalan ng constitutional at legal basis.
Ang naturang komento ay bilang sagot sa hinihinging paliwanag sa kanila ng mataas na hukuman kaugnay sa nabanggit na petisyon.
Wala rin umanong basehan ang petisyon ang oposisyon na humihiling na harangin ang congressional canvass dahil binigyan ng kapangyarihan ng Konstitusyon ang mga mambabatas upang bumuo ng mga alituntuning susundin sa pagbibilang ng boto.
Iginiit pa ng mga abugado ng gobyerno na ang pag-akyat ni Lopez sa SC ay isang maling desisyon dahil ipinapakita lamang nito ang supervisory power ng Hudikatura sa Kongreso gayong ang petitioner ay isang kongresista.
Bukod dito, ang naturang isyu ay isang usaping pampulitikal na hindi maaaring panghimasukan ng Korte Suprema. (Ulat ni Gemma Amargo)