P10-M libel buwelta ni GF Arroyo vs Chavez, Banayo at Tatad
June 5, 2004 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng P10 milyon libel suit sa Manila Prosecutors Office ni First Gentleman Mike Arroyo sina Atty. Frank Chavez, Lito Banayo at senatorial candidate Francisco "Kit" Tatad dahil sa umanoy akusasyon ng huli sa una na ito ang utak ng pandaraya sa naganap na halalan noong nakaraang Mayo 10.
Personal na sinampahan ng kasong libelo ni Arroyo kasama ang kanyang abugado na si Atty. Ruy Alberto Rondain sa tanggapan ni Manila Prosecutor Office chief Ramon Garcia sina Chavez, Banayo na spokesman ni Sen. Panfilo Lacson, Tatad at 20 iba pang personalidad at miyembro ng media.
Nakasaad sa 10-pahinang complaint affidavit ni Arroyo na hindi siya makapagtimpi sa mga pahayag ni Chavez na may kinalaman siya sa P750 million agri-fund, samantalang si Tatad ay inakusahan siyang gumawa ng pamimili ng certificate of canvass (CoCs) sa Mindanao upang manalo si Pangulong Arroyo.
Ikinainis din ni FG Arroyo ang pahayag ni Banayo sa media na malaki ang papel nito sa pandaraya noong nakaraang halalan.
Iginiit pa nito na pinilit niyang manahimik sa mga alegasyon ng tatlo subalit sa sunud-sunod na pag-atake ang ginawa sa kanya sa media kaya napillitan siyang magsampa ng kaso upang ipagtanggol ang sarili. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am