^

Bansa

Rationalization 'di dapat ikaalarma ng gov't employees

-
Ipinaliwanag ng Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno na hindi dapat mabahala ang mga ito sa inaasahang implementasyon sa rationalization program ng pamahalaan upang makatipid sa gastusin.

Sinabi ni CSC chairperson Carina David, ang naturang hakbang ay hindi magdudulot ng pagkasibak sa trabaho kundi itatama lamang nito ang mga mali at higit nitong pag-iibayuhin ang quality service ng mga gov’t agencies para sa publiko.

Itatama din anya ng rationalization system ang overlapping at duplication sa trabaho ng mga empleyado ng gobyerno at mailalagay nito sa tamang puwesto ang mga gov’t employees ayon sa kanilang qualifications at hindi naman ito magiging daan upang bumaba ang kanilang sahod.

Ang mga empleyado naman na gustong magretiro na sa serbisyo ay tiyak na makakakuha ng retirement package na may kaukulang incentives.

Nilinaw din ni David na walang target ang pamahalaan kung ilang empleyado ang dapat na magretiro at kumalas sa serbisyo kahit na may ilang posisyon ang bubuwagin at hindi ang mga tauhan.

Ang rationalization program ay naghihintay na lamang na aprubahan ng Pangulo at ng Kongreso para sa kaukulang implementasyon nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CARINA DAVID

CIVIL SERVICE COMMISSION

CRUZ

IPINALIWANAG

ITATAMA

KONGRESO

NILINAW

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with