Missing COCs ebidensiya -KNP
June 4, 2004 | 12:00am
Naniniwala ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na tumibay at lumakas ang kanilang laban matapos matuklasan kamakalawa sa pagbubukas ng mga ballot boxes sa Kongreso ang pagkawala ng mga certificates of canvass (COCs) mula sa Camarines Norte at Surigao del Sur.
Kasabay nito, idinipensa ni Sen. Tito Sotto ang pagkuwestiyon ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen sa mga kahina-hinalang COCs na matinding binabatikos ng ilan sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso.
"Karapatan niyang magsalita kapag ang mga nabubuksang COCs ay kuwestiyonable. Nakita naman natin na kung walang kuwestiyon ay tahimik lamang si Digs," ani Sotto sa isang panayam.
Sinabi naman ni KNP lawyer Rufus Rodriguez na hindi puwedeng manahimik lamang si Dilangalen haban nailalantad ang mga katibayan ng pandaraya sa eleksiyon.
Partikular na tinukoy ni Rodriguez ang mga nawawalang COCs sa mga lalawigang pinaniniwalaang nanalo si KNP presidential bet Fernando Poe, Jr.
Inakusahan ni Dilangalen ang opisina ni Senate President Franklin Drilon na binuksan ang mga ballot boxes bago ilipat sa Batasan Complex mula sa Senado, bagay na pinasinungalingan ni Drilon.
Ani Rodriguez, ang pagkawala ng mga naturang COCs ay bahagi lamang ng mas malawakang dayaan. Dinagdag niya na sa Maguindanao lamang, may 140,000 boto ang dinaya kay Poe.
"Kung susumahin di kukulangin sa dalawang milyong boto ang nawawala kay FPJ," sabi pa ni Rodriguez. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended