^

Bansa

Biazon, pang-12 senator

-
Iprinoklama na rin si Senator Rodolfo Biazon bilang pang-12 na nanalong senador sa katatapos na May 10 elections.

Alas-2 ng hapon ng pormal na ihayag ni Comelec Chairman Benjamin Abalos ang pagkapasok ni Biazon sa magic 12, kasabay ng pag-anunsiyo sa 15 partylists group na nakalusot naman sa Kongreso matapos makakuha ng may 20 porsiyento sa kabuuang boto.

Sa isinagawang pagbibilang sa mga huling certificate of canvass mula sa Cotabato City at Lanao del Sur, lumamang si Biazon 10,635,272 boto kontra sa 10,624,585 boto ni Sen. Robert Barbers na nasa ika-13 puwesto.

Samantala, ang 15 partylists ay Bayan Muna, APEC, Akbayan, Buhay, Anakpawis, CIBAC, Gabriela, Partido ng Manggagawa (PM), Butil Farmers Party, Alliance of Volunteers Education, Alagad, Veterans Freedom Party, Cooperative Nateco Network Party, An Waray at Anak ng Mindanao.

Umaabot naman sa 23 representatives na kumakatawan sa mga nabanggit na nanalong party-list groups dahil sa ang iba dito ay may tatlong kinatawan gaya ng Bayan Muna, APEC at Akbayan. (Ulat ni Ellen Fernando)

AKBAYAN

ALLIANCE OF VOLUNTEERS EDUCATION

AN WARAY

BAYAN MUNA

BIAZON

BUTIL FARMERS PARTY

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COOPERATIVE NATECO NETWORK PARTY

COTABATO CITY

ELLEN FERNANDO

ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with