^

Bansa

Aklas Bayan bigo

-
Palpak at hindi man lamang nakapuntos ang inilunsad na Oplan Aklas Bayan ng kampo ni presidential aspirant Fernando Poe, Jr. matapos na mabigo itong makakuha ng suporta mula sa taumbayan partikular sa hanay ng masang Pilipino.

Sinabi ni PNP spokesman P/Chief Supt. Joel Goltiao na nahirapan ang kampo ni FPJ na maka-recruit ng mga squatters para sumama sa paglulunsad ng mass actions o kilos protesta sa gitna na rin ng isinasagawang bilangan ng boto sa Batasan complex, Quezon City. Kinapos rin umano sa pondo ang grupo kaya hindi nagtagumpay ang matagal ng mga itong pinagplanuhang paglulunsad ng Aklas Bayan.

Base sa report, inaalok umano ng mga recruiter ng mula P300 hanggang P800 na maaari pang umabot sa P1,000 ang mga mahihirap para sumama sa Aklas Bayan para bulabugin ang Metro Manila pero nahirapan ang mga ito.

Bunga ng kahirapang mag-recruit sa Metro Manila ay sa mga kanugnog na lalawigan na lamang itinuon ng mga ito ang kanilang konsentrasyon sa pagre-recruit ng mga lalahok sa rally.

Layon ng Aklas Bayan na harangin ang proklamasyon ni Pangulong Arroyo sakaling ito ang mahalal na nagwagi sa May 10 elections. (Ulat ni Joy Cantos)

AKLAS BAYAN

CHIEF SUPT

FERNANDO POE

JOEL GOLTIAO

JOY CANTOS

METRO MANILA

OPLAN AKLAS BAYAN

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with