Ngayong araw bibilangin ang boto matapos na dumating kahapon ang panghuling certificate of canvass mula sa Lanao del Sur at Cotabato. Matapos ito, inaasahang Miyerkules din iaanunsiyo ang nanalong pang-12 senador na posibleng isabay sa proklamasyon ng 26 partylists na nakakuha ng 20 porsiyento sa kabuuang bilang ng boto sa buong bansa.
Nagbabala naman si incumbent Senator Rodolfo Biazon na nasa magic 12 ng senatorial race na maghaharap siya ng reklamo kapag napatunayang nadaya siya sa bilangan ng boto pabor kay Sen. Robert Barbers na pang-13.
Sa rekord daw ng Comelec, na-zero si Biazon sa isang lugar sa Lanao del Sur taliwas sa rekord na lumabas sa unofficial quick count ng Namfrel na nakakuha ito ng mahigit 395 boto. (Ulat ni Ellen Fernando)