Jinggoy balik-kalaboso
June 1, 2004 | 12:00am
Walang kasiguruhan si Senator-elect Jose "Jinggoy" Estrada na hindi maaantala ang pagdalo niya ng sesyon sa Senado dahil sa posibilidad na kanselahin ng korte ang piyansang inilagak niya.
Ito ang tiniyak kahapon ni Special Prosecutor Dennis Villaignacio kaugnay sa pagkakahalal ng batang Estrada sa Senado at sa patuloy na pagdinig ng Sandiganbayan Special Division sa mga kasong nakasampa laban sa kanya.
Sinabi ni Villaignacio na pansamantala lamang nakalalaya si Jinggoy dahil P500,000 piyansa na maaari pa ring kanselahin ng korte at maging dahilan ng kanyang muling pagkakabilanggo.
"Once the SC cancel his bail then he has no choice but to go back to jail," ani Villaignacio.
Si Jinggoy ang kauna-unahang senador na nahaharap sa kasong plunder at nangyari bago siya manalo sa eleksiyon.
Ayon sa batas, ang mga miyembro ng Kongreso ay may parliamentary immunity at hindi sila maaaring arestuhin kung ang kinakaharap nilang kaso ay may parusang hindi lalampas sa anim na taon.
Magugunitang pinagbigyan ng korte ang kahilingan ni Jinggoy na makapag-piyansa noong Marso 2003 dahil ang partisipasyon umano nito sa kaso ay hindi kasing-bigat ng sa kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada.
Idinagdag ni Villaignacio na hindi maaapektuhan ang pagdinig ng Sandiganbayan Special Division sa kinakaharap na plunder case ni Jinggoy kahit senador na ito.
Siniguro rin ni Villaignacio na tututulan ng prosekusyon ang posibilidad na hilingin ni Erap sa korte na dumalo sa panunumpa ni Jinggoy dahil wala itong legal na basehan.
Samantala, kinansela ng Special Division ang nakatakdang presentasyon ng ebidensiya ng depensa kahapon para sa plunder case at itinakda ito sa Hunyo 30. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 16 hours ago
By Doris Franche-Borja | 16 hours ago
By Ludy Bermudo | 16 hours ago
Recommended