75 RP contingents tutungo sa Liberia
May 31, 2004 | 12:00am
Nakatakdang tumulak ngayong linggo ang may 75 sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang unang batch ng RP team na magsasagawa ng peacekeeping mission sa bansang Liberia.
Ayon kay Phil.Air Force spokesman Lt. Col. Restituto Padilla, ang AFP peacekeeping team na nakatakdang umalis sa bansa ay ang ikalawang grupo sa ilalim ng command ng United Nations na magsasagawa ng misyon sa Liberia na winasak ng digmaan.
Ang RP contingent na pamumunuan ni Col. Ivan Samarita ng Phil. Army ay sinanay sa Civil Military Operations gayundin sa mga gawain ng mga inhinyero para magsagawa ng rehabilitasyon sa nasabing war-torn area.
Pinayuhan ni Padilla ang mga sundalo na maging vigilant sa pagtupad ng kanilang misyon sa Liberia. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest