'Oplan Andres' ni Gringo buhay pa - AFP
May 27, 2004 | 12:00am
Buhay pa ang Oplan Andres o ang sinasabing master plan ni outgoing Senator Gregorio "Gringo" Honasan upang agawin ang kapangyarihan mula sa kasalukuyang gobyerno.
Sinabi ni AFP-Public Information Office chief Lt. Col. Daniel Lucero, mother plan ang Oplan Andres habang ang Oplan FPJ o Bahaghari ay politcal component nito at Oplan Robin ang military component. Sa ilalim ng Bahaghari ay iuupo ng kampo ni Honasan si Fernando Poe, Jr. Matapos pansamantalang maiupo si FPJ ay aagawin naman ng grupo ni Honasan ang kapangyarihan sa pagkapangulo mula kay Poe at magtatayo sila ng isang military junta kaya pinagpipilitan pa rin ng ilang sektor na si Da King ang nanalo sa halalan at hindi si Pangulong Arroyo.
Binigyang diin ng opisyal na nakikita ng AFP na lahat ng kaguluhan na nangyayari ngayon sa bansa ay bahagi pa rin ng Oplan Andres.
Magugunita na ang Oplan Andres ay nadiskubre ng militar matapos ang Oakwood mutiny nang sakupin ng nag-aklas na mahigit 300 junior officers at personnel ng AFP sa ilalim ng Magdalo group ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003 sa bigong destabilisasyon laban sa pamahalaan. Ang naturang mutiny ang Oplan Robin.
Ang Oplan Andres ay nakapaloob sa naiwang diskette ng Magdalo group sa nasabing hotel at dahil ditoy natukoy na si Honasan ang utak ng naturang marahas na hakbang ng grupo ni Navy Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest