Ayon kay Defense Secretary Eduardo Ermita, may mga grupong nagnanais na balewalain at sirain ang kredibilidd ng nakalipas na May 10 general elections at nagbabalak na magsagawa ng mga panggugulo upang huwag maisakatuparan ang no-proclamation agenda ng oposisyon at harangin ang pagluluklok sa kapangyarihan sa bagong halal na Presidente.
Pangunahin sa mga lugar na tinututukan ay ang Parola at Baseco compound, Isla Puting Bato, Smokey Mountain at Temporary Housing na pawang sa Tondo, at Payatas at iba pang slum communities sa Quezon City.
Base sa impormasyon, hinihimok umano ng kampo ng oposisyon ang maralitang taga-lungsod na naninirahan sa mga nabanggit na lugar na lumahok sa Aklas Bayan dahil sa umanoy malawakang dayaan sa halalan kug saan ay agrabyado ang kanilang pambato na si Fernando Poe, Jr.
Magugunitang inalarma ni DILG Sec. Joey Lina ang kapulisan hinggil sa intelligence report na ginagapang na umano ng oposisyon ang mga pamayanan ng maralitang taga-lungsod na inaalok ng P500-P800 bayad bawat isang araw na paglahok sa rally. (Ulat ni Joy Cantos)