^

Bansa

Dagdag na ebidensiya vs dayaan inilatag ng FPJM

-
Naglatag pa ng dagdag na mga ebidensiya ang Freedom Peace and Justice Movement (FPJM) kaugnay ng naganap na dayaan sa bilangan ng mga balota.

Sa isang press conference, pinakita ni Jun Villaroman, NCR chairman ng FPJM ang kopya ng COCs na nagkaroon umano ng anomalya sa nabilang na mga balota sa NCR.

Sinabi din ni Elmer Bandrang, FPJM chairman ng Lanao del Sur na sa kanilang lugar nanalo si FPJ pero ang ipinapakitang COC dito ay pawang pabor kay GMA.

Niliwanag din nito sa bayan din ng Saguaran sa Lanao, mahigit pa ang bilang ng mga bumoto noong nakaraang halalan na higit na mas malaki sa bilang ng mga botante dito.

Iginiit ng FPJM na walang destabilisasyon na ginagawa ang kampo ni FPJ dahil ang hangad lamang nila ay mailabas ang katotohanan sa taongbayan sa naganap na halalan.

Kaugnay nito, sinabi din ni Atty. Desi Ruaro, legal counsel ng FPJM na hindi maaaring magkaroon ng canvassing sa walong munisipalidad ng Maguindanao dahil wala namang naganap na halalan dito noong May 10.

Ito anya ay sa munisipalidad ng Datu Piang, Buluan, Barira, Sultan Kudarat, Shariff Aguak, Datu Saudi Ampatuan, Mamasapano at Datu Unsay.

Samantala, nakisimpatya ang grupo ng mga retired generals sa kampo ng FPJM hinggil sa paglalabas sa katotohanan sa naganap na halalan. Sinabi ni ret. Gen. Tomas Diaz ng Alliance of Generals for Peace Orderly Election (AGPOE) na wala naman silang sinusuportahang partido political subalit gusto lamang nila ay malaman ng taongbayan ang mga nangyayari (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALLIANCE OF GENERALS

DATU PIANG

DATU SAUDI AMPATUAN

DATU UNSAY

DESI RUARO

ELMER BANDRANG

FREEDOM PEACE AND JUSTICE MOVEMENT

JUN VILLAROMAN

LANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with