Makamasang programa nagpanalo kay GMA sa 12 mahihirap na probinsiya
May 24, 2004 | 12:00am
Binasag ni Pangulong Arroyo ang paniniwalang si Fernando Poe, Jr. ang bida ng masa matapos na manalo ang Presidente sa 12 sa 20 mahihirap na lalawigan sa buong bansa.
Ayon kay Butil partylist Rep. Benjamin Cruz, ang panalo ni Pangulong Arroyo sa mga naturang probinsiya ay pagkilala ng sambayanan sa mga makamasang programa nito.
Batay sa tinanggap na certificate of canvass (COCs) ng K-4 mula sa mga probinsiya, nanalo si GMA sa Antique, Agusan del Sur, Biliran, Benguet, Batanes, Guimaras, Ifugao, Mt. Province, Masbate, Surigao del Sur, Eastern Samar at Southern Leyte.
Hindi pa kasama rito ang lalawigan ng Tawi-Tawi, Basilan at Sulu dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang kanilang COCs.
Naniniwala si Cruz na susi sa tagumpay ni Ginang Arroyo sa mga nabanggit na lalawigan ang mahusay na programa nito para sa mahihirap tulad ng patubig, elektripikasyon, libreng pag-aaral sa kolehiyo, mababang presyo ng gamot at ang pagbibigay ng trabaho. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended