Mungkahing buong Kongreso ang magbilang ng boto, ibinasura
May 24, 2004 | 12:00am
Ibinasura ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay ang mungkahi ni Senador Aquilino Pimentel na ang buong kasapi ng Kongreso ang magbilang ng boto at magproklama sa nanalong mga kandidato sa pampanguluhang halalan.
Ayon kay Pichay, isa sa naatasan ni House Speaker Jose de Venecia na tumulong sa pag-aayos ng katahimikan sa bulwagan, wala sa kasaysayan ng Kongreso ang panukala ni Pi-mentel.
Nanawagan din si Pichay sa 14-man National Board of Canvassers sa mabilisan at walang kinikilingang pagbibilang ng boto para sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawag pangulo at ibigay sa buong kapulungan ang resulta ng kanilang pagbibilang upang ang buong Kongreso ang magpoproklama sa mga nanalo.
"Ginamit na ng Kongreso ang nauna nitong patakaran at kalakaran sa pagbibilang ng boto para sa presidente at bise presidente noong 1992 at 1998 elections at wala naman nagreklamo, ngayon gusto nila buong kasapian ang magbibilang, asan ang lohika rito," pahayag ni Pichay.
Naniniwala ang kongresista na nais lamang ni Pimentel na supilin ang naging hatol ng bayan sa nagdaang halalan upang maisulong ang kandidatura ng manok nitong si Fernando Poe, Jr. Gayunman, umaasa pa rin si Pichay na sa bandang huli ay si Pangulong Arroyo ang ipo-proklamang nanalo sa pampanguluhang halalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended