GMA nagbabala sa mga manggugulo

Kinumpirma kahapon ni Pangulong Arroyo na mayroon pang nalalabing bantang destabilisasyon dahil sa bintang na mayroong naganap na dayaan sa eleksiyon pero ito ay hindi kasing-seryoso ng mga naunang tangka para guluhin ang kanyang pamahalaan.

Binalaan ng Pangulo ang mga grupong nagbabalak manggulo dahil hindi anya mangyayari ang kanilang maitim na plano dahil handa ang pamahalaan na panatilihin ang demokrasya.

Hinamon din ng Pangulo ang mga may alegasyon na dayaan sa halalan na maglabas ng pruweba. Gayunman, sinabi ng Pangulo na halatang walang balak ang mga ito na idaan sa tamang proseso ang reklamo dahil nais lang talaga nilang manggulo. (Lilia Tolentino)

Show comments