Apektado umano dito ang aviation gas na ginagamit ng mga eroplano na bumibiyahe sa international o domestic flights.
Ayon sa isang top brass official ng isang international airline company na ayaw ipabanggit ang pangalan, tumataas kasi ang palitan ng dollar laban sa piso kaya ang pagtaas naman ng presyo ng krudo sa Gitnang Silangan ay nakaapekto ng malaki sa airline industry sa bansa.
Nagbigay ng go-signal ang gobyerno na itaas ang pasahe ng mga pampublikong sasakyan noong isang araw at malamang na ipatupad ng mga tsuper sa pasukan ngayong Hunyo.
Sinabi ng opisyal na bago magtaas ng singil ng pamasahe ang mga airline companies ay pag-uusapan muna nila kung ilang porsiyento ang itataas nito upang hindi mabigatan ang riding public sa pasahe sa eroplano.
Ayon sa opisyal, nalulugi rin daw ang ilang kompanya ng eroplano at kung magkakaroon ng pagtaas ng pasahe ay tiyak na maaapektuhan sila ng malaki. (Ulat ni Butch Quejada)