^

Bansa

Pasahe sa eroplano balak ding itaas

-
Minomonitor ng mga airline companies ang sitwasyon ng ekonomiya sa bansa dahil balak din nilang magtaas ng pasahe matapos tumaas ang krudo sa international market.

Apektado umano dito ang aviation gas na ginagamit ng mga eroplano na bumibiyahe sa international o domestic flights.

Ayon sa isang top brass official ng isang international airline company na ayaw ipabanggit ang pangalan, tumataas kasi ang palitan ng dollar laban sa piso kaya ang pagtaas naman ng presyo ng krudo sa Gitnang Silangan ay nakaapekto ng malaki sa airline industry sa bansa.

Nagbigay ng go-signal ang gobyerno na itaas ang pasahe ng mga pampublikong sasakyan noong isang araw at malamang na ipatupad ng mga tsuper sa pasukan ngayong Hunyo.

Sinabi ng opisyal na bago magtaas ng singil ng pamasahe ang mga airline companies ay pag-uusapan muna nila kung ilang porsiyento ang itataas nito upang hindi mabigatan ang riding public sa pasahe sa eroplano.

Ayon sa opisyal, nalulugi rin daw ang ilang kompanya ng eroplano at kung magkakaroon ng pagtaas ng pasahe ay tiyak na maaapektuhan sila ng malaki. (Ulat ni Butch Quejada)

APEKTADO

AYON

BUTCH QUEJADA

GITNANG SILANGAN

HUNYO

MINOMONITOR

NAGBIGAY

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with