Ebidensiya ng bilihan sa BOCs ilalantad
May 20, 2004 | 12:00am
Handang ilantad ng pamunuan ng Freedom Peace and Justice Movement ang mga ebidensiya na nagpapatunay na nagkaroon ng hakbangin ang administrasyon upang bilhin ang mga board of canvassers sa ilang mga lalawigan upang matiyak ang pag-upong muli ni Pangulong Arroyo sa Malacañang.
Sinabi ni Manny Portez ng FPJM, inihahanda na niya ang naturang mga ebidensiya at dokumento kaugnay ng nabanggit na hakbang.
Unang sinabi nina board of canvassers Atty. Adolfo Ilagan ng Samar at Atty. Cesar Tingzon na umanoy binibigyan sila ng blank check ng kampo ni Arroyo upang matiyak ang panalo ni GMA.
Kaugnay nito, naglunsad ng text brigade ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) upang dito iparating ng taong bayan ang kanilang mga sumbong at reklamo kaugnay ng nakitang mga dayaan sa bilangan ng mga balota sa ibat ibang panig ng bansa. I-text ang mensahe sa 0919-6270348.
Samantala, sa latest tally sheet na nakalap ng Serbisyo Pinoy Solutions Inc. at Grupo Election Management Systems, May 19, 2004 10:30 ng umaga, nakakuha si FPJ ng botong 9,042,427 kontra sa 8,082,847 ni GMA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest