Sa panayam kay Cavite Rep. Gilbert Remulla, inamin nito na nagkakaroon ng "informal" na pag-usap ang mga batang mambabatas kaugnay sa pagtatalaga ng bagong Speaker sa sandaling magbukas ang 13th Congress.
Mas makabubuti aniya kung magkaroon ng "younger set of leaders" sa Kamara upang mas maipatupad ang pagbabago.
Isa aniya sa isusulong si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya sa Speakership. Si Andaya ay 35 taong-gulang pa lamang at naging miyembro na ng 11th at 12th Congress.
Isa rin sa mga lumutang na pangalan na posibleng lumaban sa Speakership si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.
Ayon kay Remulla, kung lalaban sa Speakership si Pichay ay tiyak na makikipag-usap ito kay Speaker Jose de Venecia dahil kapwa sila miyembro ng Lakas-CMD. (Ulat ni MRongalerios)