^

Bansa

Board of canvassers sa Quezon at Samar 'binibili'

-
Binatikos kahapon ng Freedom Peace and Justice Movement (FPJM) ang umano’y lantaran at malawakang "pagbili" sa provincial board of canvassers ng lalawigan ng Quezon at Samar.

Sa isang panayam, sinabi ni Manny Portez ng FPJM, isinumbong sa kanila ni Quezon Board of Canvassers Atty. Adolfo Ilagan na nag-aalok umano sa kanya ng blank check si DILG Undersecretary Agnes Devanadera upang papanalunin sa lalawigan ng Quezon si Pangulong Arroyo. Gayundin, sinabi ni Samar Provincial Board of Canvassers Atty. Cesar Tingzon na maging siya ay inaalok umano ng grupo ni Gabby Claudio ng blank check para mailampaso ni Pangulong Arroyo si Fernando Poe, Jr. Si GMA ay talo sa Quezon at sa lalawigan ni Claudio sa Samar.

Sinabi din ni Portez na nag-iikot sa kasalukuyan si First Gentleman Mike Arroyo, Ronnie Puno at ret. Gen. Guillermo Ruiz upang mapalitan ang certificates of canvassers sa Zamboanga del Sur at Norte. Limang bayan naman sa Maguindanao ay hindi nakapagdaos ng eleksiyon. Nagkaroon din umano ng dayaan sa resulta ng eleksiyon sa Sulu, Tawi-Tawi at Basilan.

Bunsod nito, nanawagan ang pamunuan ng FPJM sa taumbayan na ilabas ang mga ebidensiya ng mga naganap na dayaan sa nakaraang halalan at ihayag kung may napatotohanang mga boto na hindi nabibilang kung pabor ang boto kay FPJ.

Sa kabuuan, si FPJ ay nangunguna sa buong Luzon, NCR at Palawan, Mindoro, Marinduque gayundin sa Region 9,10,11, 12 at ARMM nang ipatigil pansamantala ang bilangan ng mga balota rito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ADOLFO ILAGAN

CESAR TINGZON

FERNANDO POE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FREEDOM PEACE AND JUSTICE MOVEMENT

GABBY CLAUDIO

GUILLERMO RUIZ

JR. SI

MANNY PORTEZ

PANGULONG ARROYO

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with