^

Bansa

'Jose Pidal' congressman na

-
Magiging miyembro na ng papasok na 13th Congress ang kontrobersiyal na si "Jose Pidal" na kapatid ni First Gentleman Mike Arroyo. Tinalo ni Iggy Arroyo, bilang kinatawan ng 5th District ng Negros Occidental, ang kanyang mga kalaban sa posisyon kabilang si incumbent congressman Apolinario Lozada.

Magugunitang inako ni Iggy na siya si Jose Pidal matapos akusahan si FG Arroyo na gumagamit ng alias na "Jose Pidal" upang maitago ang mga accounts kung saan inilagay umano ang mga kickback nito sa PCSO. Sa Pidal account din umano inilagay ang campaign contributions na ibinigay kay Pangulong Arroyo noong kumandidato itong bise presidente noong 1998. Sa gitna ng kontrobersiya na kinakasangkutan ni FG Arroyo ay sinalo ito ni Iggy at inamin ang "Jose Pidal" account. (Ulat ni Malou Rongalerios)

APOLINARIO LOZADA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

IGGY

IGGY ARROYO

JOSE PIDAL

MAGIGING

MALOU RONGALERIOS

NEGROS OCCIDENTAL

PANGULONG ARROYO

SA PIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with