Dagdag-bawas vs Noli umpisa na
May 16, 2004 | 12:00am
Inakusahan kahapon ng kampo ni K4 vice presidential candidate Sen. Noli de Castro si Gov. Tony Leviste na umanoy nasa likod ng planong dagdag-bawas na ang target ay si Kabayan.
Ito ay kasunod ng kahina-hinalang pag-iikot umano ni Leviste, kasama ang mayayaman at kilalang negosyante, sa mga lalawigan na kung saan natatalo ang kanyang asawang kandidato sa pagka-bise presidente na si Sen. Loren Legarda.
Sa pahayag ng opisyal ng Air Transportation Office na tumangging magpabanggit ng pangalan, tatlong araw na umanong umeere ang private plane ni Leviste sa mga lugar na unang naiulat na natatalo ang asawang si Loren.
Ang naturang opisyal ng ATO ay nangako sa kampo ng K4 na kanyang ihahayag ang flight plan ng asawa ni Loren kapag nakumpleto na ang detalye ng ruta ng eroplanong ginamit ng mga ito.
Hinihinalang nagsasagawa sa kasalukuyan ng isang special operations si Leviste sa mga lalawigan upang maremedyuhan ang pagkatalo ng kanyang asawa.
Inalerto naman ng grupong anti-election fraud ang kani-kanilang mga tauhang nagbabantay sa kasalukuyang isinasagawa na provincial canvassing of votes upang doblehin pa ang pagsisikap na walang mangyayaring dagdag-bawas sa bilangan ng mga balota upang maprotektahan ang tunay na boses ng bayan.
Una rito ay nanawagan din ng pagkakaisa sa lahat ng kandidato ang nangunguna sa bilangan sa pagka-bise presidente na si Noli de Castro sabay sa pakiusap sa mamamayan, partikular sa mga titser at poll watchers na higit pang pag-ibayuhin ang pagbabantay sa canvassing of votes.
"Alam kong pagod na pagod na kayo pero nakikiusap ako na dagdagan pa ninyo ang sakripisyo para hindi masalaula ang boses ng bayan ng mga kandidatong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo," panawagan kahapon ni Kabayan Noli.
Nagbanta naman kahapon ang Comelec na agaran nilang papatawan ng mabigat na kaparusahan ang sinumang mapapatunayang gumawa ng anumang klase ng pandaraya, tulad ng dagdag-bawas, nitong nagdaaang halalan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am