Gabinete babalasahin!
May 15, 2004 | 12:00am
Isang malawakang pagbalasa sa pamahalaan ang napipintong isagawa ngayong tapos na ang eleksiyon.
Sa kauna-unahang pulong ng Gabinete kahapon pagkaraan ng eleksiyon nitong Mayo 10, sinabi ni Executive Secretary Alberto Romulo na kailangang maghain ng pagbibitiw sa puwesto ang mga Cabinet officials.
Sa ginanap ding press briefing kahapon din, sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na ang paghahain ng resignation ng mga miyembro ay normal lang tuwing may katatapos na halalan.
Ito ay para mabigyang pagkakataon ang bagong administrasyon ng sinumang nanalong presidente na makabuo ng bagong Gabinete.
Sinabi ni Bunye na hanggang Hunyo 30 ang itinakdang palugit na petsa kung kailan dapat maghain ng pagbibitiw sa puwesto ang mga miyembro ng Gabinete.
Kaugnay ng pagtatapos ng eleksiyon, inihayag naman ni Presidential Spokesman for Campaign Issues Mike Defensor na babalik na siya sa trabaho niya bilang Housing secretary, pero kung kakailanganin pa ang kanyang tulong, tutulong siya kay Bunye sa paglilinaw sa ilang mga isyu. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 6 hours ago
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Ludy Bermudo | 6 hours ago
Recommended