Ayn kay Commissioner Resurreccion Borra, tatapusin ng Comelec sa loob ng 36 oras ang bilangan sa municipal level habang 64 oras sa provincial level.
Sinabi ni Borra na titiyakin ng Comelec na sa Mayo 15 ay maipapasa na ang mga certificate of canvass mula sa local board of canvassers at provincial local board of canvassers sa Phil. International Convention Center (PICC) sa Vito Cruz, Manila.
Ang mga certificate na magmumula sa provincial board of canvassers na siyang pagbabasehan kung sino ang mahahalal sa national na posisyon ay ipapasa naman sa Kongreso at ang Senate president ang siyang mangangasiwa at magpoproklama sa joint session sa nanalong pangulo at bise presidente ng bansa.
Sinabi ni Borra na iaanunsiyo sa Mayo 30 ang mga nanalo sa eleksiyon mula sa pangulo pababa sa konsehal.
Nanawagan si Borra sa mga poll watchers at mga supporters ng bawat magkakalabang partido na bantayang maigi ang mga balota dahil pagdating sa pagpapasa ng certificate of canvass ay doon nagaganap ang dayaan lalo aniya sa sistemang dagdag-bawas pagdating sa sitwasyong mahigpit na laban sa pagitan ni GMA at FPJ. (Ellen Fernando)