^

Bansa

2 trak ng sundalo idineloy kontra FPJ

-
Dalawang trak na punong-puno ng mga sundalo ang idineploy bago magtakipsilim kahapon sa Edsa shrine upang tapatan ang panawagan ni KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. na maglunsad ng rally kontra dayaan sa eleksiyon.

Ayon kay Lt. Gen. Alberto Braganza, chief ng AFP-NCRC, isang platoon ng mga sundalo ang ipinakalat upang bantayan ang Edsa shrine.

Samantala ang iba pang puwersa ng mga sundalo mula sa Civil Disturbance Management Team ay naka-standby naman para tumulong sa puwersa ng pulisya sa Paseo de Roxas, Makati City.

Nagmartsa kagabi patungong Makati ang KNP kasama ang kanilang mga supporter para iprotesta ang umano’y ginagawang pandaraya ng Arroyo administration sa kanilang kandidatong si FPJ.

Ayon sa KNP, pinipilit ng administrasyon na palabasin sa kanilang trending kasabwat ang ilang media quick counts na si GMA ang lumalabas na panalo.

Ang martsa na nagsimula ng alas-6 kagabi ay dinaluhan mismo ni FPJ, iba pang KNP candidates at mga supporter.

Kahapon ay nanawagan si Poe sa kanyang mga supporter para magtipun-tipon at bantayan ang botohan dahil sa malinaw umanong pandaraya sa KNP sa unang bugso pa lamang ng bilangan ng mga balota.

"The AFP believes that this is not the time to fuel the people. The people will stand guard against this plan. We call for calmness and sobriety," panawagan naman ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Rodolfo Garcia, hepe ng Task Force HOPE, sa sambayanan. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

ALBERTO BRAGANZA

AYON

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT TEAM

EDSA

FERNANDO POE

JOY CANTOS

MAKATI CITY

RODOLFO GARCIA

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with