^

Bansa

Loren rumaratsada

-
Si KNP vice presidential bet Loren Legarda ang pinili ng sambayanang Pilipino upang maging bise presidente ng bansa, batay sa iba’t ibang exit polls na isinagawa ng Proberz, Manila Standard-DZRH at Social Weather Station (SWS).

Kinopo ni Loren ang 51% ng boto sa buong bansa, ayon sa exit poll ng Probertz na kinomisyon ng isang Catholic lay organization, habang 46.2% lang ang nakamit ni K-4 Noli de Castro.

Siyam na percentage points naman ang panalo ni Loren kay de Castro sa exit poll na isinagawa ng SWS, ayon sa TV at radio reports.

Kitang-kita naman ang posibilidad na ilang milyon ang magiging panalo ni Loren batay na rin sa exit poll ng Standard-DZRH. Ito’y dahil sa pamamayagpag ni Loren sa vote-rich NCR, Cordillera Autonomous Region (CAR), regions 2, 3, 4, 8, 12 at sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nationwide ay 48.36% ng boto ang nakuha ni Loren batay sa Standard-DZRH exit poll. Umalagwa ng todo si Loren sa NCR na siyang may pinakamalaking botante sa buong bansa, 53.41% kumpara sa 35.78% ni de Castro.

At sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ni Loren ang lakas ng mga Pilipinong Muslim pagdating sa eleksiyon ng makopo niya ang 82.6% ng boto sa ARMM.

Bumandera rin si Loren sa CAR (57.9% sa 39.9% ni Noli), Region 2 (63.57% vs 33.47%), Region 3 (58.55% vs 38.25%), Region 4 (53.88% vs 40.23%), Region 8 (51.92% vs 42.39%) at Region 12 (52.54% vs 45.36%).

Nakuha rin ni Loren ang 70% boto sa Antipolo, 65% sa Batangas, 60% sa Mindoro Occidental at 55% sa Tarlac.

Pinatotohanan naman ng mga resulta ng mga quick count ang ibinabadyang panalo ni Loren batay sa exit polls. (Ulat ni Rudy Andal)

AUTONOMOUS REGION

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

LOREN

LOREN LEGARDA

MANILA STANDARD

MINDORO OCCIDENTAL

MUSLIM MINDANAO

NOLI

PILIPINONG MUSLIM

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with