Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang mga inihaing motion ni Taguig-Pateros Congressman Allan Peter Cayetano kaugnay sa mariing pagtutol nito sa Taguig Cityhood.
Base sa ipinalabas na unofficial final count, umaabot sa 16,004 ang bumoto ng "yes" habang 13,125 naman ang bumoto ng "no".
Sa 869 ballot boxes na binuksan, ilan sa mga ito ay may damage ang mga balota kung saan pinasok ito ng tubig dahil sa matagal na nitong pagkaka-stock.
Maging ang alkalde ng Taguig na si Mayor Sigfrido "Freddie" Tinga ay naging positibo ang pagtanggap sa pagiging siyudad nito dahil lumabas na ang tunay na resulta ng 1998 cityhood plebiscite.
Nauna rito, ibinasura ng SC en banc ang motion ni Cayetano para sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order upang itigil ang recount. (Ulat ni Lordeth Bonilla)