^

Bansa

Mass uprising ikinakasa ng oposisyon

-
Ikinakasa na ngayon ng oposisyon ang paglulunsad ng isang "mass uprising" o malawakang pag-aaklas ala-People Power Edsa-style sakaling tumagilid sa bilangan ang kanilang kandidato na si Fernando Poe, Jr.

Ito ang nabatid kahapon base sa intelligence report na nakalap ng AFP at PNP.

Sa kabilang banda ay nangangamba naman ang executive committee ng oposisyon na magkakaroon ng witch hunting at maging pakay sila ng mass arrest kasunod ng pagbubulgar ni National Security Adviser Roberto Gonzales sa umano’y binubuong planong destabilization ng kanilang kampo gaya ng black propaganda, malawakang brownout, mass action, sabotage at pambobomba sa ilang piling lugar.

Nabatid sa isang mataas na kasapi ng committee sa kampo ni FPJ, pinaghahandaan na ng kanilang hanay ang paglulunsad ng EDSA 4 kapag nakita nilang tumatagilid sa arangkadahan ang kanilang presidential bet dala ng isinasagawang trending o malawakang dayaan.

Magsisimula ang pagkilos sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga tagasuporta ni FPJ sa isang malaking vigil sa isang pangunahing lansangan na susundan ng mas malaking mass action.

Subalit minaliit lamang ito ng militar. Ayon kay AFP Public Information Office chief Lt. Col. Daniel Lucero ay dapat magkaroon ng tiwala ang mga kinauukulan sa kanilang mga kandidato at sa kredibilidad ng Comelec para sa mapayapa at malinis na botohan.

Tinawanan din ni Lucero ang umano’y pangamba ng kampo ng oposisyon na baka magkaroon ng mga pag-aresto sa kanilang hanay dahil wala naman umanong dahilan para sila arestuhin lalo at wala naman silang nilalabag na batas. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

COMELEC

DANIEL LUCERO

FERNANDO POE

IKINAKASA

JOY CANTOS

NATIONAL SECURITY ADVISER ROBERTO GONZALES

PEOPLE POWER EDSA

PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with